Monday, September 19, 2011

Alaala ng nakaraan... -20.09.10-

Sadyang Kay bilis ng panahon...
Isang taon na ang nakalipas...
Ang araw na Hindi ko inakalang darating sa buhay natin...
Ang araw na ni sa hinagap Hindi ko naisip na mangyayare sa'tin...

Subalit, dumating...
Oras ng pamamaalam na Hindi ko man Lang inasahan...
Buong pangarap ko'y naglaho...
Mundo'y parang gumuho... Hangi'y parang naubos...
Oras biglang huminto...

Sakit na nadamay ikinubli sa puso...
Pilit pinagtakpan katotohanan sa harapan...
Kahit anong gawin pilit na di paniwalaan at
Mas sinubukang mabuhay sa nakaraan...

Subalit ano mang kubli... Katotohana'y di maitatanggi...
Ikaw ay wala na... Tayo ay tapos na...
Pait na nadarama'y binaon at pilit kinalimutan
Salamat sa mga kaibigan na Hindi ako iniwan...

Isang taon ang nakalipas ngunit nadarama'y di maipagkakaila...
Iba ng ikaw ang nawala... Mundo ko'y sobrang nangulila...
Hindi ko maitatanngi, pagsisisi'y nasa huli...
Kung nagawa ko Lang ipaglaban
Siguro'y iba ang naging kapalaran...

Ngunit sadyang may mga bagay,
Kung di laa'y di rin ibibigay...
Baka sadyang di ikaw ang bigay sa'kin ng Maykapal...

Sa pag lipas ng panahon, natutong tanggapin ang katotohanan...
Na ikaw ay wala na... At Hindi na babalik pa...

Hangad ko ang kaligayahan
At tagumpay na para sa'yo...
Nawa'y patuloy kang subaybayan at pagpalain ng Maykapal...

Maraming salamat sa mga itinuro mo, aral ng buhay sayo'y madaming natutunan...
Maraming salamat sa pagmamahal na walang katulad...
Nawa ako'y mapatawad sa sakit na nadulot ko sa nakaraan...

Salamat sa lahat...
Ang maging bahagi ka ng buhay ko,
Kailan ma'y hinding-Hindi ko pagsisisihan...

August 11, 2011
00:38 AM